Thursday, March 22, 2007

from a friend's friendster blog...

Pananambahan sa Langit

Now this is the picture of worship in heaven...

-

Revelations 4 (Tagalog Popular Version)

Pagkatapos nito, ibang pangitain naman ang aking nasaksihan. Nakita ko sa langit ang isang bukas na pinto.

At muli kong narinig ang tinig na gaya ng isang trompeta na ang sabi, "Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa 'yo ang darating na pangyayari." Walang anu-ano'y kinasihan ako ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono, at ang nakaluklok doon. Ang mukha Niya'y maningning na gaya ng mahahalagang batong haspe at kornalina. May isang bahagharing kakulay ng esmeralda sa palibot ng trono. Nakapaligid dito ang dalawampu't apat pang trono. Nakaluklok doon ang dalawampu't apat na matatanda; puti ang kanilang kasuutan at may koronang ginto ang bawat isa. Mula sa trono'y gumuguhit ang kidlat, kasabay ang malalakas na ugong at nakatutulig na kulog. May pitong nagniningas na sulo sa harap ng trono; ito ang pitong Espiritu ng Diyos. Sa harap ng trono, may tila dagat na salaming sinlinaw ng kristal.

Nakapaligid sa trono, sa bawat panig nito, ang apat na nilalang na buhay na punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Katulad ng leon ang unang nilalang na buhay. Katulad naman ng baka ang pangalawa. May mukhang katulad ng tao ang pangatlo. At katulad ng agilang lumilipad ang pang-apat. Tig-aanim na pakpak ang apat na nilalang na buhay; at tadtad ng mga mata ang bawat-isa, sa loob at labas. Walang tigil ang pag-awit nila araw-gabi:

"BANAL, BANAL, BANAL... ANG PANGINOONG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT. ANG DIYOS SA NAKARAAN, SA KASALUKUYAN, AT SIYANG DARATING."

At habang umaawit sila ng papuri, parangal, at pasasalamat sa nakaluklok sa trono, ang nabubuhay magpakailanman, ang dalawampu't apat na matatanda nama'y nagpapatirapa sa harap ng trono, at sinasamba ang nakaluklok doon, ang nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang korona sa harap ng trono, at sinasabing,

"AMING PANGINOON AT DIYOS! KARAPATDAPAT KANG TUMANGGAP NG PAPURI, PAGGALANG, AT KAPANGYARIHAN; PAGKAT IKAW ANG LUMALANG SA LAHAT NG BAGAY, AT AYON SA IYONG KAGUSTUHAN, SILA'Y NILALANG MO AT PINANATILI."

-

Now, isn't God worthy? Even the highest heavens extol Him. Even the sinless revere Him. God deserves our worship. If we only knew who He is and how He is worshipped in heaven by the holiest beings He created. If we could only see, then we would never take worship lightly again.

Lord, give us clean hands. Wash away all our sins. We are but a sinful people compared to Your holiness.. compared to your glory. Consecrate us by Your blood. Give us a clean slate. We wanna be a part of Your consecrated ones - the ones that You would gather. We know how sinful we are. Cleanse us. Purify us. Burn away everything that is not of You. Consecrate every area of our lives. We know it would hurt.. But we just wanna be set apart for You.. to love You.. to worship You.. the way that our holy God deserves.

And in awe of You, we will cry, "HOLY, HOLY, HOLY IS THE LORD GOD ALMIGHTY WHO WAS, WHO IS, AND IS TO COME."

No comments: