Monday, March 10, 2008

may mga gentleman pa pala sa mundo ngayon?!

...at pinalad akong makatagpo ng isa ngayon...

...naawa lang kaya sya dahil ang bigat ng dala kong T136 book
o sadyang gentleman talaga sya?

...nakakatuwa lang isipin na kahit papaano ay marami pa rin pala sila...

akala ko kasi nung una, nagpapakagentleman lang ang mga lalaki sa mga babaeng kakilala nila; nagpapaimpress lang sa mga nililigawan o sa mga hinahangaan... sumisipsip sa guro... nagpapakabait sa magulang...

...di pala....

syempre may mga tao rin naman akong kakilala na gentleman din... na kahit bababa ka lang sa fx o L300, aalalayan ka pa... hehe... minsan nga muntik ko nang masabi sa kanya na di naman ako lampa... haha.. mabuti na lang at napagtanto kong ginagawa lang nya ang tama...
haha... kaya lang, isang dahilan marahil doon ay dahil kilala niya ako...

...ngunit eto talaga ang kinatutuwa ko....

hanga ako kay kuya ng nakayellow na shirt kanina sa bus na nasakyan ko pauwi... dahil halos ikaapat na ng hapon, tayuan na sa bus... di ko na inasahan na makakaupo ako sa pasay... ang nais ko na lang sa panahong yun... makauwi ng bahay...

ngunit sa aking pag-uwi... isang kuya na nakayellow na shirt and tanging nakita kong gentleman kanina. sa mga lalaking nakaupo sa bus, sya lang ang nagoffer ng upuan sa'kin (di lang sa akin... nagkataon lang na ako ang nasa harapan nya)... ung isang kuya inalok lang ako na sya ang magkakalong ng daladala kong T136 na aklat... nung tinanggihan ko siya, yung isang kuya na nasa harap nya ay tumayo upang paupuin ako sa kinauupuan nya.

aaawwww... kakatouch... hehe...

anu bang meron sa T136 book ko? dapat yata araw araw kong dala un para nakakaupo ako sa bus... haha... joke lang syempre...

nakakatuwa lang...

-------------------

naalala ko lang habang sinusulat ko ito...

...pinagpray ko nga pala na makakuha ng upuan sa bus pauwi ko...

...at yun marahil ay isang answered prayer...

Thank you Lord! ^_^

di ko lang nakita ngayon ang pagdinig ng Diyos sa kahit simpleng panalangin...
nagkaroon pa ko ng mas malaking dahilan upang mas mahalin ang bayan ko...

-------------------

sa mga kalalakihan... gusto kong malaman ninyo na ang mga kababaihang tulad ko ay nabibighani sa mga maliit na kabutihang ginagawa ninyo di lang sa mga kakilala nyo kundi pati sa mga taong "stranger" sa inyo...

sa mga kababaihan... magtiwala tayo na kahit papaano ay may mga kalalakihan pa rin may mabuting kalooban (haha.. ang lalim...)

di sa mga magagarang paraan lamang natin maaaring maipakita sa iba ang kabutihan ng Panginoon sa ating buhay... kahit sa simpleng bagay, tulad ng mga ito, ay naibabahagi natin ang biyayang mayroon tayo...

sa mga nakakabasa ng lathalang ito... manalig tayong may magagawa ang Diyos sa bayang ito...

(napalayo na pala ko sa topic ko... haha... share ko lang)

No comments: