habang karamihan ay nag-eenjoy na sa kanilang huling araw ng klase... at ang iba naman ay naghahanda na para sa kanilang graduation - naghahanap ng magagarang damit na isusuot sa okasyong ito, masayang ipinapakita ang kanilang mga grad pics at iba pang picture mula sa kanilang baccalaureate mass, at marami pang iba... - ako ito, di pa alam kung paano tatapusin ang thesis na iprepresent na sa monday.
saglit lang naman ako dadaan dito dahil marami pa talaga ko dapat gawin... naalala ko lang ang word of encouragement ng isang kaibigan kagabi... sabi nya: "ui hannah, graduation ko na. ikaw?" [haha... peace tayo!] hehe... nung sinabi sa'kin yan... napangiti lang ako... ano naman ineexpect mong sabihin ko? kung ako ang magtatanong nyan, ano kaya ang mafifeel ng taong sinabihan ko? syempre para sa graduating students tulad ko na hindi pa final ang lahat, magkahalong pressure at excitement ang nararamdaman mo ngayon. gusto ko na rin naman grumaduate tulad niya. yun nga lang, malayo pa talaga ang graduation.
at... sabi nga ng institute secretary namin nung GA last week, "nothing is official and final until three days before the graduation" kasi dun pa lang ang university-wide deliberation. so that means... april 23 pa magiging official ang lahat!
wala naman akong magagawa ngayon kundi ipagkatiwala na lang sa Diyos ang natitira pang isang buwan bago ako "officially" grumaduate. at i-claim na ako'y tunay na gragraduate! yey! sa bagay, kailangan ko rin naman maging produktibong mamamayan ng Pilipinas pagkatapos ng graduation kaya mabuti na rin na mahaba haba pa ang aking paghahanda... haha.
buti na lang, graduation pa lang ang nakapagpapabagabag na bagay para sa akin ngayon. anu naman kaya ang susunod? LOL. (anu ba yan, minsan na lang ko magpost dito ganito pa nashare ko... hehe)
1 comment:
napadaan lang po :) nice posts and blog . godbless po . ma'am , i want to tell you something .. mahina yung faith ko , panu po yun ? magagalit ba si God ?
Post a Comment